
Paggamit sa iyong device sa mga basa at maalikabok na lugar
Upang matiyak ang pagiging resistant sa tubig ng iyong device, dapat ay mahigpit na nakasara
ang lahat ng takip, kasama na ang mga takip para sa micro USB port, slot ng SIM card at slot
ng memory card.
Waterproof at resistant sa alikabok ang iyong smart device alinsunod sa mga Ingress
Protection (IP) rating na IP55 at IP58, gaya ng ipinapaliwanag sa talahanayan sa ibaba.
Upang tumingin ng mas partikular na impormasyon ng IP tungkol sa iyong device,
pumunta sa
www.sonymobile.com/global-en/legal/testresults/
at i-click ang pangalan ng
nauugnay na device.
Nangangahulugan ang mga partikular na IP rating na ito na ang iyong device ay hindi
madaling mapapasukan ng alikabok at protektado ito laban sa pag-agos ng tubig na
may mababang pressure gayundin sa mga epekto ng pagkakababad nang 30 minuto sa
tubig-tabang (non-saline) na hanggang 1.5 metro ang lalim.
Maaari mong gamitin ang iyong device:
•
sa mga maalikabok na lugar, halimbawa, sa mahangin na beach.
•
kapag basa ang iyong mga daliri.
•
sa ilang matitinding lagay ng panahon, halimbawa, kapag may snow o umuulan.
•
sa tubig-tabang (non-saline) na hanggang 1.5 metro o mas mababa ang lalim,
halimbawa, sa isang tubig-tabang na lawa o ilog.
150
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

•
sa isang may chlorine na swimming pool.
Kahit na resistant sa alikabok at tubig ang iyong device, dapat mong iwasan na malantad
ito nang hindi kinakailangan sa mga lugar na sobra-sobra ang alikabok, buhangin at
putik o sa mga mahulimigmig na kapaligiran na may napakatataas o napakabababang
temperatura. Hindi ginagarantiyahan sa lahat ng kapaligiran o kundisyon ang pagiging
waterproof ng micro USB port, slot ng SIM card, slot ng memory card at headset jack.
Huwag kailanman ilubog sa tubig-alat ang iyong device o hayaang mabasa ng tubig-alat
ang micro USB port o headset jack. Halimbawa, kung ikaw ay nasa beach, tandaang
ilayo ang iyong device mula sa tubig-dagat. Gayundin, huwang kailanman ilantad ang
device sa anumang mga likidong kemikal. Halimbawa, kung naghuhugas ka ng mga
pinggan gamit ang likidong detergent, iwasang mabasa ng detergent ang iyong device.
Pagkatapos malantad sa hindi tubig-tabang, banlawan ang iyong device gamit ang
tubig-tabang.
Ang karaniwang pagkaluma, kasama na ang pinsala sa iyong device ay maaaring
magpahina sa kakayahan nito na mahadlangan ang alikabok o halumigmig. Pagkatapos
gamitin ang device sa tubig, patuyuin ang paligid ng lahat ng takip, kasama na ang mga
takip ng micro USB port, slot ng SIM card at slot ng memory card.
Kung mabasa ang speaker o mikropono, maaaring maapektuhan ang function ng mga
ito hanggang sa matuyo nang tuluyan ang tubig. Pakitandaan na maaaring umabot ng
hanggang tatlong oras ang pagpapatuyo depende sa kapaligiran. Gayunpaman,
magagamit mo ang iba pang mga feature ng device na hindi nangangailangan ng
speaker o mikropono habang nagpapatuyo. Ang lahat ng tugmang accessory, kasama
na ang mga baterya, charger, handsfree device, at micro USB cable, ay hindi waterproof
at napapasukan ng alikabok.
Hindi saklaw ng iyong warranty ang mga pinsala o depektong sanhi ng pang-aabuso o
maling paggamit ng iyong device (kasama na ang paggamit sa mga lugar kung saan
nalampasan ang mga nauugnay na limitasyon sa IP rating). Kung mayroon kang
anumang karagdagang mga tanong tungkol sa paggamit sa iyong mga produkto,
sumangguni sa aming serbisyo sa suporta sa Customer para sa tulong. Gayundin, para
sa impormasyon ng warranty, sumangguni sa
Mahalagang impormasyon
na maa-access
sa pamamagitan ng Gabay sa pag-setup sa iyong device.